Makipaghiwalay ba ako sa lalaking minumura ako?
Problem/Goal: Hi, 1st time ko magpost dito sa reddit madalas basa lang ginagawa ko. Almost 5 years na kami ng bf ko, childhood bestfriend na nainlove sa isa't isa. 11 years bilang magkaibigan since g2 and now graduating ng college. Okay kami nung 1st to 2yrs namin, pero ngayong 4 years ang crucial para samin. Nag live-in kami ng 6months at doon ko nalaman yung tunay nyang ugali bilang partner. Everytime na na nag aaway kami madalas nya kong minumura, naranasan ko na rin sa kanya yung verbal abuse na kesyo "akala ko ba matalino ka? ba't ang bobo mo mag isip?" and such. Parehas kami dean's lister, and nung junior high Top 1 sya Top 2 naman ako. Close family namin sa isa't isa. The thing is hindi alam ng family ko na ganon ako itrato ng boyfriend ko, napakarami nyang redflags bilang partner na kailangan mo pa sabihan, at the same time galit kapag napagsasabihan. Last night nag away na naman kami, sabi nya "hindi ako makikipag-live in sa'yo, napaka drama mo" nang dahil lang sa nagtampo ako kase nanonood lang sya habang ako namimilipit sa sakit ng tyan ko. At ayun, natrigger na naman ako dahil sinabihan nya ako ng "Tangina mo" whaha pinaka-ayaw ko sa lalaki pero ganito napunta.
Pagod na ako sa totoo lang, natatakot lang ako na iwan sya dahil wala syang ibang kakampi at tinatakbuhan kundi ako lang. Wala syang history ng pagchecheat, palaging naka-update from time to time. Super bait sa family ko at provider.
Advice po kung hanggang kelan ko ba 'to kakayanin haha.