Had my freon/refrigerant recharged 2 weeks ago, and now it’s dry again

Ano kaya problema? Wala kasing lamig (parang naka-fan mode lang) at sobrang baho ng aircon nung 2016 Vios E namin. Had it checked by our family’s driver nung Feb. 4 tapos kinuha ka siya nung Feb. 10 na.

For background ni driver, he’s 25 y/o and his father used to be a dedicated mechanic. Silang dalawa yung bumanat sa sasakyan ko tas nung binalik sakin naka engine wash na, nakapag oil change na, nareplace na yung car and engine filters, tapos narecharge na rin yung refrigerant. Sabi pinuno daw talaga. 2 weeks later, after moderate use (averaging 2-4x per week, mga around 400-450km mileage) wala nanamang lamig ang aircon. Nung tinest drive naman daw niya walang leaks (this was during the repair period) pero nung ako na nga gumagamit di ko talaga alam or maramdaman if meron. Rineport ko naman sakanya tapos sabi niya at first kailangan na ibaba yung buong aircon ng car (probably for inspection) or may certain na nagccause nang pagtuyo ng freon.

Ano kaya mga possible causes din, mga boss? Genuinely curious kasi this is my first time na maka-experience ng gantong mga issue. TYIA!